Quantcast
Channel: JaY RulEz
Viewing all articles
Browse latest Browse all 25

SOCIAL MEDIA DA BEST KA

$
0
0

Wala daw makakapagsabi sa hinaharap kung ano pa ang pwede mangyari dahil tanging  Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat. Isang buhay na paniniwala nating mga Pilipino na hindi kayang baliin. Buhay na ebidensya ang bawat isa sa atin sa kasabihang ito na hindi na dapat pagdebatehan pa. Tama!
Pero hindi nasusukat sa lahat ng bagay, dahil may mga pagkakataon, na may kakayahan na ang tao,malaman at makita ang bukas. Dahil sa teknolohiya at modernong takbo ng pamumuhay. HIndi na malabong mangyari na ang susunod na henerasyon ay mas mapapadali at mapapaganda pa ang  pagamit ng makabagong teknolohiya.
Ang mga ofw sa hinaharap ay makikita mong kausap ang kanilang pamilyang naiwan sa pilipinas sa pamamagitan ng salamin habang nagsusuklay sila,sa pamamagitan ng baso habang kumakain siya,sa pamamagitan ng lamesa habang nag oopisina,at sa salamin ng kotse habang nagmamaneho siya. Sosyal! Nawiwirduhan ka  ga? Pero posible di ga? Iba na ang takbo at galaw ng utak ng mga tao ngayon,matatalino at patuloy na nagpapakadalubhasa. Hindi napapako sa isang mithiin,walang kakuntentuhan sa sarili. Patuloy at patuloy na maghahanap  at tutuklas para mapadali ang lahat ng mga bagay bagay. Maganda ba ito?Oo. Dahil madami ang makikinabang nito. Lalo na ang mga kababayan nating mga ofw na sabik at uhaw sa pagpaparamdam ng kanilang pagmamahal sa bawat pamilyang kanilang iniwan.
Mula nang lumabas ang iba't ibang klase ng selepono sa merkado, hindi na matawaran ang ngiting hatid nito sa bawat pamilyang pilipinong magkakalayo,dahil mas mapapadali na ang palitan ng mensahe, mabilis ng malalaman ang kalagayan ng isa't isa. Kung tutuusin,sapat na iyon para matugunan ang ating simpleng hiling na maibsan kahit papaano ang ating pagkasabik. Pero hindi nakuntento ang mga taong may malilikot ang isip sa ganitong larangan. Sumulpot ang iba't ibang networking sites  gaya ng friendster,yahoo messenger  na talagang kinagat ng mga pinoy lokal man o abroad. Dahil isa ito sa mabilisang pamamaraan ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay. Biruin  mo nga naman na hindi mo lamang madidinig ang kanilang boses bagkus ay makikita mo pa ito sa pamamagitan ng camera. Astig! Hindi pa din nagpaawat ang pagusbong ng teknolohiya at patuloy ang paglalabasan ng iba pang networking sites sa pamamagitan ng blogging,skype,twitter at facebook.
Dahil sa makabagong mundo kinakaharap natin ngayon, ang napakagandang dulot nito sa ating lahat,hindi lingid sa ating kaalaman,ang mga nakakaantig na balitang nabubungaran natin, na mga pamilyang nagkalayo ng halos ilang mga taon,dekada ay napapagtagpo sa pamamagitan ng facebook,mga pamilyang pilipinong nahahanap ang mga kamag-anakan matagal nang nawaglit, at higit sa lahat ang pamilyang ofw, na mabilis na maipahahatid ang kanilang kalagayan at pagpapahayag ng pagmamahal at pagkasabik sa pamilyang nawalay,  ay napagbubuklod ng mga networking sites na ito. Isang patunay lamang na mahalaga ang social media sa buhay natin na kailangan nating mahalin at alagaan sa pamamagitan ng paggamit nito ng tama.
Sabi nga nila,may hangganan ang lahat kung ito ay ginagamit sa masama. Isapuso sana natin ang kahalagahan naidudulot sa atin ng social media,dahil ginagawa ang lahat ng ito para mapadali ang transaksyon,pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan sa sandaigdigan. Madami ang nakikinabang nito at alam namin natin na tayong mga Pilipino ang isa sa mga bansang mabilis matuto at mahilig gumagamit ng mga ganito. Kaya sana dapat huwag natin gamitin ang magandang opportunidad na ito sa masama. Dahil baka dumating ang panahong bumalik tayo sa wala.
Tama at hindi naman masamang lumingon sa ating pinaggalingan,pero hahayaan mo ba na bumalik ang dating ugnayan ng bawat pilipino sa pamamagitan ng mga sulat? Na ilang pilas ng papel ang iyong mauubos makabuo lamang ng isang liham na ipapadala mo kay inay sa Hongkong,o di kaya naman ay kay itay sa Saudi. Handa ka ba muling magtiis ng ilang mga linggo at buwan para makatanggap ng liham na sagot ng iyong mga magulang. Makukuntento ka bang muli  sa  voice tape na padala ni itay. Paano kong nakaligtaan ni inay ang mga bilin mo?. Dadaanin mo uli sa sulat di ga? At malamang sa malamang bibilang ka ng ilang buwan para matanggap muli ito. Mabagal,matagal at mahirap. Di ga?
***
Iba ang pusong pinoy,mapagmahal at mauunawain sa lahat ng bagay. Marunong rumespeto at magbigay pugay. Alam kong maisasabuhay natin sa ating mga  sarili ang kahalagahan ng social media. Batid ko na isa ka sa gumagamit nito. At alam ko na kaya mong pahalagahan ito katulad ng pagpapahalaga dito ng mga bayani nating mga ofw,at kapwa ko Pilipino saan man sulok ng mundo.
***
Ito po ay aking opisyal na lahok sa taunang Pinoy Expats Blog Awards.
Tema: The Social Media and I: Bridging the Past,Present and Future


Viewing all articles
Browse latest Browse all 25

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan