Quantcast
Channel: JaY RulEz
Viewing all articles
Browse latest Browse all 25

H11M

$
0
0
Nakahimlay sa dalampasigan. Binubusog  ang  mata sa nakakahalinang rikit ng gabi. Masuyong nakikipaglaro ang bawat tiklop ng mga mata sa sanlaksang bituin umaandap andap sa kalawakan. Nakakaharuyong tingnan. Umaasam na sana isang araw siya'y makamtan.

Oh, bituin ng buhay ko!  Kayrikit. Nangungusap ang mga ngiting  ayaw pakawalan. Hindi  mapigilan ang sariling humanga sa taglay mong kariktan. Hindi ko alam kong panaginip lang ang lahat ng iyon. Dahil ayoko bigyan ng katapusan ang pagsulyap sa iyo. Pero sa reyalidad na pagsilay ng liwanag ay tuluyan kang mawawala at muling lilitaw paglatag ng gabi.

Tanda ko na sinabi ko sa iyo ang matamis na pangako. Na ako ay iyo at ikaw ay sa akin. Ngunit hindi sapat ang mga salitang namutawi.  Dahil naniniwala akong pinaghihirapan ang inaasam na bagay bago siya matangay. Minsan mo nang sinugatan ng damdaming tumatangi. Ngunit hindi  nagpatinag sa pag aasam na makamit ang ligayang maihahatid. Sinikap lumipad na maabot  man lang ang iyong mga bagwis. Hindi alintana ang panganib na maghihntay sa nakaambang paglagapak. Dahil  buo ang loob at matapang na haharap. Patuloy kong ikakampay ang aking bagwis at magpupursiging abutin ang langit,nakaumang man  ang unos na kakaharapin, ang aking bagwis ay hindi patitinag.

Sa bawat sulyap ng araw, hindi  mapigilan ang pagyabong ng damdamin . Tuluyang nagpatianod. Sa pagdatal ng takipsilim hindi na lubusong masawata ang nahaharuyo kong damdamin para sa iyo. Hinihintay ang mapanuyong gabi at nag aabang sa pagsilip ng bituin sa kalawakan. At sa mabilis na pagdausdos ng bulalakaw ang siyang hiling na ika'y maging akin.
Ilang nakakabahalang unos ang napagtagumpayan. Ilang dagundong ng kulog ang binalewala. Ilang matatalim na kidlat ang isinawalang bahala. Para sa iyo. Para sa pag ibig ko.

Uu naalaala ko ang lahat. At isang masayang gunita iyon para sa akin.
Dahil sa kabila ng mga sigalot na nadaanan para sa nagiisang bituin . Nakamtan ito. Nagpupunyagi ang puso.


 Humihiyaw. 

Nagbubunyi.

At ngayon kasalukuyang mariwasa ang daloy ng tubig ng ating ilog. Ilan mang malalaking tipak ng bato ang humarang sa lagaslas ng ating daloy, matitiyak kong atin itong malalampasan at tuluyang mararating natin ang pusod na nagdurugtong dito patungo sa ligtong at malawak na karagatan ng ating buhay.


H11M...

Viewing all articles
Browse latest Browse all 25

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan