Ito ang ikatlong subok ko sa taunang National Milo Marathon. Ang National Milo Marathon ang pinakamalaki at pinakaprestiryosong running event sa bansa. Katulad ng inaasahan talagang dumog ang mga sumasali dito. Tinatayang 40,000 kalahok sa lahat ng kategorya dito lamang yan sa Maynila. At humigit 200,000 kalahok naman sa buong kapuluan.Inam! Ang Milo kasi ang kauna-unahang marathon nailunsad dito sa atin. Kaya sa tulad ko na may hilig,hindi ko ito pinalampas. Katulad noong nakaraan taon,inulan din ang takbo na ito. Pero hindi hadlang ang ulan na yan para maudlot ito, dahil umulan at umaraw naman talaga, tuloy pa din .LOL. Buti na lang ngayon at nasa finish line na ako nang bumuhos ang walang patid na ulan. Masaya pa din kasi ito yung takbo na nakukumpleto kami ng mga running buddies ko.
![]() |
Mula kaliwa : Anciro,Ako.Xtian, Pinsan Mackee,Empi,Jinjiruks |
![]() |
Ikatlo kong Milo5K Certificate |
![]() |
Galing kay Google |
Layunin ng Milo na mabigyan ang mga batang kapuspalad ng pares ng sapatos. Sila iyong hindi nabibiyayaang makabili nito. Naghanap ang Milo sa sampung libong pampublikong paaralan na may mga estudyante hikahos at salat sa pangkalahatan. Kaysarap isipin na sa kabila ng masayang event na ito. Mas madaming ngiti mula sa mga bata ang nabibiyayaan nito. Ako bilang kaisa sa kanila.Patuloy ako tatakbo para sa magandang layunin na ito. Akalain mo nga naman, naging masaya ka pa, nakatulugan sa kalusugan mo at ang daming batang napangiti nito.
![]() |
Salamat sa bonding guys. Hanggang sa muli.
Katulad ng oras ko sa nakaraang takbo.Hindi naman ako bumagal at hindi din bumilis.LOL..
OFFICIAL TIME: 1352 520038 Rayan Jey De Lemos 00:42:49 00:34:05 00:18:47 M A:18-34
Yey: 34minutes pa din! :)
|